With episode 6 finally over and done with, we’re now officially at the second half of the season. That means we only have a month of Game of Thrones left before the show leaves us again. Para tayong may asawang OFW na makakasama natin for exactly 2.5 months tapos iiwan nanaman tayo at aabutin nanaman ng isang taon bago bumalik. While not as good as the last two episodes, I think we can all agree that we needed an episode without any major deaths for a change. I’m sure we’d all love to see Ramsay die (every week if possible and through different methods), but death will eventually start to lose meaning if you do it every week. Although this week’s episode is not without it’s shocking moments. And if you’ve been reading my weekly review of Game of Thrones then you already know the drill. Spoilers abound in the next few paragraphs so close this window now if you have yet to see the latest episode.

vlcsnap-2016-05-30-18h16m06s249
You think the Starks have had it rough? Benjen has been north of the Wall for 5 freaking seasons!

Back with a Benjens

So last time na nasa magulong mundo tayo ng Westeros, Bran and Meera were running away from the White Walkers. But they were only able to do so because Hodor held the freaking door. (Teka lang ah pupunasan ko lang yung luha kong pumatak sa keyboard. Akala ko ready na kong pag usapan yung nangyari kaso hindi pa pala! HINDI PA PALA!) But we use the term “running” very loosely kasi hila hila lang ni Meera si Bran sa ibabaw ng parang sled. Nasa season 6 na tayo wala bang nakaisip na kabitan ng gulong yan? Hindi ba puwedeng sinakay na lang si Bran sa parang kariton tapos nagbayan-bayan sila ni Hodor at nangolekta ng bote at dyaryo?

But siyempre nahabol sila ng White Walkers kasi how far can they go really without Hodor doing the heavy lifting diba? But a hooded figure suddenly appears just in time to save them with his flaming mace and this person just happens to be… Uncle Benjen from season 1! The same Uncle Benjen na akala ni Jon Snow na nakabalik na kaya siya nasaksak ng Night’s Watch. But he’s now terribly disfigured kasi nakalaban niya rin tong mga White Walkers and just when he was about to turn into one of them sinave siya ng Children of the Forest. So ngayon mukhang natunaw na kandila yung mukha niya but on the brightside he’s not a zombie! Apparently he’s been doing work for the Three-Eyed Raven ever since. But now the Three-Eyed Raven is his nephew Bran. But more importantly meron na tayong responsible adult na puwedeng batukan si Bran pag may namatay dahil nagpapaka-immature siya. Although kung history ang basis natin malamang ikamamatay nitong si Benjen si Bran pag nabore nanaman si Bran. On a sidenote, ako lang ba o parang hindi masyadong affected si Bran sa pagkamatay ni Hodor? Mas affected pa tayo e! Kung ako yan baka humahagulgol ako sa konsensya ilang taon akong binuhat nun e!

Hay, millenials.

Game-of-Thrones-S06E06-4-1200x798
You know you’ve seen some nasty shit pag natatawa ka sa death scenes while everyone else looks constipated.

The girl has a name, and it’s Stark.

Speaking of another millenial, Arya Stark is still on a mission to kill the actress from the play. Why she needs to die is still yet to be mentioned pero ang plano ni Arya ay lasunin yung wine nung babae which she drinks after every performance. She succeeds in poisoning her wine but just when she was about to drink, tinulak ni Arya yung kamay nung babae para di mainom yung lason. Pero bago mo sabihing ang bait ni Arya, tinuro niya yung isa pang actress at sinabing siya daw yung gustong pumatay dun sa gustong patayin ni Arya. Labo rin e noh nagturo pa ng iba e!

Pero ano kaya ang motivation ni Arya? Just when she was about to finally complete her training with this assassination she has a change of heart. Is it the play? Dahil ba nakita niya yung pamilya niya na pinagtatawanan? Is it because nagkaron sila ng connection nung matandang actress? Maybe she couldn’t get herself to kill a seemingly innocent woman. At this point hindi pa natin alam. Ang alam natin ay papatayin siya nung batang hawig ni Tilda Swinton na matagal nang may selos sa kanya. Pero finally may nangyayari na storyline ni Arya at ang kanyang malabong hairstyle na parang naglagay ng dalawang croissant sa ulo.

 

vlcsnap-2016-05-30-20h02m47s206
Pwede bang magkaron rin ng “walk of atonement” si Tommen? Gusto ko lang siyang batuhin ng gamit na diaper sa mukha.

Tommen, you idiot!

I’m starting to hate teenagers because of Game of Thrones. Unang una si Bran. Sinabi nang wag umakyat sa tower, umakyat. Napilay tuloy. Nag “warg” mag-isa, namatay tuloy si Hodor. Not to mention na siya pala yung reason kung bakit naging nakakabwisit kausap si Hodor. Si Arya naman lalasunin na lang yung babae magiging faceless assassin na siya pero biglang ginulo yung plano. Tapos si Tommen, nako si Tommen. Unang una, wala siyang nagawa nung pinaghubad at pinahiya yung nanay niya kahit hari pa siya. Ngayon naman just when you thought na matatalo na ng incest twins at Olenna si High Sparrow anong ginawa niya? Sumanib pwera si loko e!

Napaka-walang kwentang anak mo na siguro para ipagtanggol yung crush mo pero yung nanay mo pinabayaan mo lang na maduraan at mabato ng gamit na lampin sa mukha. Okay fine, asawa niya si Margaery, pero ngayon ka pa magkakaron ng balls kung kelan may plano na?! Labo mo Tommen ah gusto kong mag Baron Geisler sa pagmumukha mo e! Bakit ba ang malas ni Jaime tsaka ni Cersei sa mga anak nila? Yung isa spawn of satan yung isa naman naaddict sa unang naka-devirginize sa kanya. Pero ano kayang play ni Margaery dito? Tuso rin tong babaeng to e. Is this part of her plan? Or naconvert ba talaga siya ni High Sparrow?

vlcsnap-2016-05-30-16h57m52s119
Sobrang bilis niya lang lumabas hirap na hirap akong i-screenshot yung scene na lumabas siya.

We finally see the Mad King.

In a “blink and you’ll miss it” sequence, Aerys Targaryen also known as the Mad King finally appeared on the show. In one of Bran’s visions during his “tirik mata Undertaker mode” we are finally shown the Mad King, the one that got Jaime Lannister the name “Kingslayer” because he killed him when he’s supposed to be the head of the king’s guard. To those who haven’t read the books like myself, it’s interesting to finally see this on the show. Hopefully we get to see more pretty soon.

vlcsnap-2016-05-30-18h17m37s96
Paano kaya tumaba si Samwell Tarly kung ganyan ka-awkward ang dinner sa bahay nila gabi gabi?

House Tarly’s awkward family dinner.

So Samwell Tarly heads home with Gilly. We finally meet Sam’s mom and sister na for all intents and purposes seem pretty normal. What could possibly be so horrible about home na ayaw umuwi ni Sam? If anything nakita natin kung bakit medyo bonjing si Samwell Tarly e dahil baby siya nung nanay niya. Then dinner time comes and we meet the infamous Randyll Tarly, Sam’s father. The same father who threatened him to join the Night’s Watch or else he’ll die in a “hunting accident”. Graaaaaaabe di ba? Tapos akala mo kupal na si Tywin? What follows is one of the most awkward dinner scenes ever. Imagine kukuha ka lang ng tinapay tatanungin ka na agad kung di ka pa ba natatabaan sa sarili mo?I actually feel bad for Sam. Tywin disliked Tyrion because he’s a dwarf and his wife died giving birth to him. That’s still not a good reason to hate your son but that’s a good enough reason for some people tulad ni Tywin. Pero hating your son just because he’s fat and he reads a lot? Ang lamig mo Randyll Tarly! Sana hindi ka nakakatanggap ng regalo pag Fathers Day!

vlcsnap-2016-05-30-21h28m07s199
I don’t think Westeros has any idea what’s coming to them. Thousands of sexually aggressive men and thousands of sexually useless men!

Daenerys and Drogon, reunited and it feels so good!

Daenerys, finally freed from her captors now has an army of Dothraki horsemen. So she has the Unsullied, the Dothraki, and now she’s reunited with one of her dragons. It seems like it’s only a matter of time before Daenerys takes back Westeros. Pero hindi ba yun rin naman naisip natin tungkol kay Stannis and the cloud demon that came out from Melisandre’s nether regions? With Game of Thrones you never really know. Just when you think you have the upper hand, things can go bad for you very quickly. And how will the red priestess factor in? That remains to be seen.

With the return of Benjen Stark, we finally have one of the few people who can tell us who Jon Snow’s mother really is. And if the rumors are to be believed, he can finally tell us whether he’s really related to another character who has a penchant for cheating death: Daenerys Targaryen Stormborn, the mother of dragons. And if a character like Benjen Stark who has been missing since season 1 can come back, then maybe there’s still hope for this guy that everyone already seems to have forgotten about:

53751035c8b1953d5ad4b02935134f71
Sorry, Gendry Baratheon. I don’t think even George RR Martin knows. Or cares.

Sagwan lang, Gendry. Sagwan lang. Malay mo makabalik ka rin after 5 seasons.

8/10. Not as nice as the previous episodes but well-paced, had great twists, and more importantly nobody dies for a change. Magpahinga naman tayo guys kahit isang episode lang nagluluksa pa ko kay Hodor!

 

Like my page on Facebook for more Game of Thrones reviews:
https://m.facebook.com/reyviewph/

 

Advertisements

20 Comments

  1. Not exactly the kind of review I was hoping for, for my fave house (Tyrell), but its really something. 😀 Can’t wait for your next one. 🙂

    Like

    1. Actually parang merong ngang something dun ano? Dapat ba bigyan na natin ng pangalan yang love team na yan? MeerBran? Wag pangit parang ngongong Bear Brand. Pero sige abangan nalang natin anong susunod na mangyayari sa dalawang yan. Thanks for reading! 🙂

      Like

  2. Tusong tunay nga si Margaery! Napahalakhak ako nung biglang sumulpot si Tommen sa gitna ng kaguluhan eh. Ang talinong babae lang.

    Like

      1. Isa siya sa Kingsguard. 7 un eh. Si Gerold Hightower ung lord commander. Isa pa sa mga Kingsguard nung time na yun si Barristan Selmy or Barristan the Bold. Siya yung naging lord commander ng kingsguard ng mga Baratheon. Kaso sinisante ni Joffrey kaya pumunta kay Daenerys tapos namatay sa Mereen nung umatake yun mga Sons of the Harpy

        Like

      1. You’re always welcome sir.. Actually ilang beses na ko nagattempt magsulat ng katulad na ganito kaso bigla na lang naalala ko fan mo pala ako mas gusto ko na lang pala basahin yung iyo hahaha. Can’t wait for your another reviews.

        -Shan

        Like

  3. Btw. ngayon na lang ulit kasi ako nagka time magbasa basa. hinahanap ko pa talaga to. buti na lang nakita ko. di ko na nakita ung dati mo (reypinmoko). dun pako nafollow. Yun pala nag iba na.

    Like

  4. kala ko talaga huminto ka na. Sobrang gusto ko kasi mga POVs mo. Sana magtuloy ka pa din kahit pag kasal kana. btw. Congratulations sir 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s