The 9th of May was a very important day for us Filipinos. On this day, naghanda tayong lahat at inabangan ang paglabas ng bagong episode ng Game of Thrones. Pero para sa mga rehistrado, bumoto sila kung sino ang mga gusto nilang susunod na leaders ng bansa. Yan ang maganda sa demokrasya di ba? Mapipili mo kung sinong gusto mong mamuno. Hindi tulad sa Game of Thrones na kung taga-North ka, wala kang choice kundi tanggapin ang pamumuno ni Ramsey Bolton. Wait, actually wala rin palang pinagkaiba yan sa atin ano? Sorry maling analogy.

Davis-Melisandre-Jon-Snow-Game-of-Thrones-Season-6.jpg

So the episode starts with Sir Davos looking shocked at the sight of a half-naked now-alive Jon Snow breathing heavily. Hindi ko lang sure pero ang kapalit ata ng bagong buhay ni Jon Snow ay bibigyan siya ng hika e since episode 2 ganyan na siya. Pero di na pinakita kung paano nadiscover ni Sir Davos si Jon Snow na buhay. Can you imagine how that situation went? Nauna kayang tumili si Sir Davos bago nagmura o nagmura muna siya bago tumili? Bakit kaya siya napamura? Dahil ba buhay na si Jon Snow o dahil nakita niya ang bird ni Jon Snow? These are the things that the show leaves us wondering. So naturally si Jon Snow medyo hindi pa maintindihan yung fact na buhay na siya ulit. Ikaw ba naman akala mo patay ka na tapos bigla kang magigising na nakatingin si Sir Davos sa hubad mong katawan hindi ka ba magpapanic nun?

game-thrones-season-6-episode-3-preview

We also see another flashback from Bran and the Three-Eyed Raven. In his flashback, nakita niya kung paano nakipaglaban yung tatay niyang si Ned sa tinatawag na Sword of the Morning who as names go sounds pretty lame. Parang euphemism para sa morning wood e. According to the story that Bran knows, his father defeated Sir Morning Wood in a fair fight pero apparently he had help. Hindi ko pa alam anong significance nito sa kuwento, siguro sinasabi lang nito na yung mga taong iniidolo at mahal natin minsan may mga sikretong tinatago? The scene ends with Ned running towards the tower to save who I only assume to be Lyanna Stark.

GOT_603_arya_HBO.0.0

Then we have the Arya Stark training montage. Para tong training montage ni Jaden Smith sa Karate Kid pero ang pinagkaiba lang bulag yung tinitrain, mas depressing, at hindi mo alam kung anong ginagawa niya to begin with. The Arya Stark plot is one of my least favorites in Game of Thrones because it’s so slow to get to anywhere. A little mystery is good pero it’s getting to be a bit too mysterious for my taste. But by the end of her training, which I assume is the end of her training when she drank from the poisonous well, bumalik na ang vision ni Arya.

Speaking of the Stark children, we finally see the return of Rickon Stark aka the most useless Stark so far. At dahil talagang may sumpa ang mga Starks, Rickon finds himself in the custody of Ramsey Bolton. Just when you thought okay na kasi nakatakas na si Sansa kay Ramsey, George RR Martin gives Ramsey another Stark to torture. Kung ako kay Rickon I’d be very protective of my genitals.

got60302.jpg

Si Khaleesi naman dinala sa lugar ng mga biyuda ng mga Khal. Apparently may parang convent ang mga widows ng mga Khal. Hindi ko alam ano exactly ang ginagawa ng grupo nila pero mukhang hindi kasama dun ang paliligo. Tuwing nakikita ko si Khaleesi gusto kong maligo e. Lagi na lang nanggigitata. Pero ang sabi nung parang mother superior dun, ang mga khal daw ang mag dedesisyon sa mangyayari kay Khaleesi. And since maganda si Khaleesi, malamang pag-aagawan siya ng mga khal. Ang hirap maging babae sa mundo ng Game of Thrones ano? Walang konsepto ng women’s rights e. Walang ligtas maski mahaba pa ang titulo sa pangalan mo tulad ni Daenerys.

jon-snow-season-6-episode-3

At the end of the episode, Jon Snow executes Alliser Thorne and Olly. Pero he seems half-hearted about the deed. Parang hindi siya init na init maghiganti. Kaya kahit ayaw rin ng audience si Alliser Thorne at Olly, hindi rin natin masyadong feel yung pagkamatay niya. The episode ends with Jon walking away from the crowd before telling them that his watch has ended. So what does this mean for the show moving forward? Kung ikaw si Melissandre di ka ba maiirita na binuhay-buhay mo pa tong si Jon Snow pero aayaw rin naman mamuno? I didn’t even know Jon Snow could quit just like that! Is Jon Snow even the same person? He’s technically a zombie. That has to mess with your brain a lot.

In my opinion this is one of the weakest episodes of the series so far. Every once in a while may mga episodes talaga ang Game of Thrones na hindi as exciting as the rest of the episodes in a given season. Usually that episode only serves to move the story along as it prepares the audience for bigger things. You can’t kill and revive a major character every episode di ba?

As I write this, kumportable na ang lamang ni Digong sa mga kalaban niya sa pagiging presidente. So kung gusto mo man siya o hindi, kailangan mong tanggapin na siya ang magiging presidente sa susunod na anim na taon. Divisive itong nakaraang elections na to. Maraming magkakaibigan na nag debate sa Facebook at maraming nag unfollow sa isa’t isa. At dahil sa gulo ng elections sa Pilipinas, minsan naiisip ko kung sinong characters sa Game of Thrones sila puwedeng i-compare. Para sa akin si Chiz Escudero si Littlefinger just for the way he operates behind the scenes to further his ambitions. Pwedeng si Grace Poe si Sansa kasi hawak ni Chiz yung tenga niya at namatay yung tatay niyang bida ng biglaan. Tingin ko si Mar Roxas si Jon Snow kasi hindi siya popular sa mundo ng Westeros dahil sa mga ibang desisyon niya. Pwede rin siyang si Stannis kasi siya ang legitimate heir sa throne pero maraming may ayaw sa kanya. Si Erap si Robert Baratheon kasi bestfriend siya ni FPJ aka Ned Stark at parehas naman sila ng lifestyle. Si Miriam si Olenna Tyrell. Witty sige, pero too old or too sick to actually wield power. Ang mga Binay ang mga Lannisters. Galing sa mayamang lungsod and was actually sitting on the seat of power bago napabagsak ng mga akusasyon. Pero sino si Digong?

High-Sparrow-Tommen-Game-of-Thrones-Season-6

Tingin ko si Digong si High Sparrow. A man of the masses, nirally niya ang mga tao behind a single cause. Si High Sparrow imoralidad ang gustong labanan, si Digong naman peace and order ang gustong isulong. Sang-ayon ka man o hindi, hindi mo madedeny na malakas ang support base ng taong to. Yung iba nga sinasabi fanatical na e. He’s the unlikeliest of leaders pero sa ngayon mas malakas pa siya sa mismong nakaupo sa throne. You could argue that right now, the High Sparrow is the most powerful character in the show.

It remains to be seen what will happen to the world of Game of Thrones. Hopefully, hindi naman kasing gulo ng Game of Thrones ang mangyayari sa Pilipinas. But I’m so ready to move on from all this talk about politics. How about you?

 

Verdict: 7/10. It’s still okay but this is one of the more boring episodes of the series. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s