Ang hirap umiwas sa mga posts tungkol sa politics ngayon sa Facebook! Ang dali na magpakalat ng information at misinformation sa social media kaya kung ano ano na lang minsan ang mababasa mo sa timeline. Pag hindi pabor sa kandidato nila, “bias” daw. (Oo wala talagang “ed” sa dulo. Grammar ang isa sa mga unang namatay sa eleksyong ito) Aaminin ko guilty rin ako dito e. Iwas na iwas akong mag post ng anything political sa timeline ko kaso minsan mahirap talagang pigilan. Buti na lang may Game of Thrones every Monday para makalimutan mo yung gulo ng elections! (Alam mong may mali kung mas magulo na ang totoong buhay kesa sa Game of Thrones)

Pero alam mo anong mas nakakainis mabasa sa Facebook more than the election-related posts? Spoilers. Yung mga nag sheshare ng spoilers sa Facebook tungkol sa Game of Thrones dapat yan ang mga sinasampahan ng kaso e! Hindi ba puwedeng mag submit ng Game of Thrones Secrecy Law sa Senado? Ipaglalaban ko sa Julia Vargas yan!

And like I do every week when I talk about Game of Thrones, I’ll be warning you not to proceed unless you’ve seen the latest episode of the show. FOR THE NIGHT IS DARK AND FULL OF SPOILERS!

ep52-ss06-1920

The Joffrey Award is now the Ramsay Award.

Apologies to Joffrey Baratheon but the Joffrey Award for the most hated character on the show will from now on be called by it’s new name, the Ramsay Award. As if we needed any more reason to hate this guy, in this episode we saw him gut his father like a fish (his father was also an asshole, but still) after niyang malaman na may bago na tong anak na legitimate unlike Ramsay who is a bastard literally and figuratively speaking. Siyempre kung magiging gago ka na lang rin lubusin mo na di ba? Kaya pinatawag niya yung stepmother niya at yung bagong panganak nito na sanggol at pinakain sa mga alaga niyang aso. Thankfully that was done offscreen kasi maski si Ramsay napapatingin sa gilid habang nangyayari yun e.

In the spirit of random death threats during this election season, allow me to say that I hope you’re neck gets bitten by a direwolf Ramsay you bastard.

ep52-ss07-1920

Goodbye Balon, we barely knew you.

Another death we saw in this episode was that of Balon Greyjoy, father of the eunuch formerly known as Theon. Magbabanyo lang ata si Balon sa kabilang side ng palasyo niya pero nagpakita yung kapatid niyang matagal nang nawawala tapos hinulog siya from a hanging bridge. (Moral of the story? Kung tatawid ka pa ng tulay para mag CR, maglagay ng arinola sa loob ng kwarto) I never cared much for Balon since he also seems like an asshole (like many of the characters in Game of Thrones) and also dahil I think this is only the third or fourth time we’re seeing him? Pero this opens up a whole new storyline about the Iron Islands kasi mukhang magkakaron ng power struggle between Yara Greyjoy and his murderous uncle.

Pero unlike last week where I praised the show for killing off some characters, this week parang I didn’t like it that much. Siguro it felt a bit forced to me. Parang too out of the blue? Roose Bolton was the one who betrayed Robb Stark and delivered the final blow during the Red Wedding. And just like that, he’s dead. I’ll probably feel differently about this in the days to come but right now that’s what I feel.

ep52-ss03-1920

If Jaime dies, we riot.

I’m actually excited to see where the twins’ story will lead. If you guys thought that Cersei was a bitch before, just imagine what she’s capable of doing now that she has a real ax to grind. Ngayon pa na meron siyang smaller version ni The Hulk bilang alalay niya? E yung lasing nga lang na pinagtatawanan si Cersei binasag yung bungo e! Hindi man lang nag effort ah! As in tinulak lang sa pader tapos nabasag na parang kamatis. Pero di mo rin alam. Maybe her experience has humbled her? Unlikely, pero who knows. As for Jaime, medyo tense yung moment nung nag confrontation sila nung High Sparrow. I’m sure he’s out for revenge and I’m also sure hindi siya makakaiwas sa moral crusade ni High Sparrow. So something major’s bound to happen. I don’t know about you guys pero the incestuous, child-murdering, king-slaying Jaime Lannister has grown on me. He’s actually one of my favorite characters on the show right now.

7-things-you-might-have-missed-in-game-of-thrones-season-6-episode-2-959344

Tyrion sweet talks a dragon.

Make that two dragons to be precise. Alam mong swabe ka talagang tao kung pati mga dragon nadadaan mo sa pambobola. For those of us who don’t read the books, okay rin yung trivia ni Tyrion kung ano bang nangyari at wala nang mga dragons bigla. Apparently hindi pala puwedeng kinukulong ang mga dragons kasi nababansot sila at eventually mamamatay kasi hindi sila kakain. Oo nga naman di ba? Hindi mo sila puwedeng tratuhin na parang kisses na ilalagay mo sa pencil case na may bulak tapos hihintaying manganak.

Game-of-Thrones-Max-von-Sydow-Cast-Three-Eyed-Raven

Three-Eyed Raven Makeover.

Did anyone notice na nagbago yung itsura ni Three-Eyed Raven? Dati para siyang naaagnas na version ni Dumbledore. Hindi natin siya nakita ng buong Season 5 tapos ngayon sa Season 6 biglang bagong gupit na siya! Hindi na rin siya mukhang zombie. I have a feeling that veteran actor Max Von Sydow who now plays the Three-Eyed Raven decided that at his age he won’t sit on a make-up chair for 4 hours tuwing may taping. Kapansin-pansin rin na nagbago yung itsura ni Bran lalo na’t hindi natin siya nakikita for extended lengths of time kaya mas halata kumpara sa pagtanda nila Arya and Sansa. Wala pa masyadong narereveal sa storyline na to pero it was interesting to see a teenage mutant talking Hodor! Paano kaya naging Hodor si Hodor? Bakit of all things “Hodor” ang natira sa vocabulary niya? These are the unimportant things about Game of Thrones that we are all dying to know.

jon2

WHAT IS DEAD MAY NEVER DIE, M*THERF*CKERS!

This episode finally confirms one of the internet’s worst kept secrets. Jon Snow is alive, boys and girls! Somehow alam naman nating lahat yun deep inside pero gusto nating maramdaman, makita, at maranasan. (Parang pag-ibig. #hugot) For readers of the book na alam na since 2011 na namatay si Jon Snow pero hindi alam ang susunod na nangyari, it’s been a long time of speculation and after 5 years, the show finally confirms it. Although everyone expected it, it was still a glorious reveal when it happened. I found myself mouthing a soft “wuhoo!” in celebration nung nagising si Jon Snow. Kasi kung merong bida dito sa Game of Thrones, the closest thing to that would probably be Jon Snow and Daenerys, and maybe Tyrion as well. They’re the least rotten apples in a basket filled with them.

Although I’m sure you know that the next time he dies onscreen malamang totoo na yun. Alangan naman buhayin ulit nila naglolokohan na tayo niyan di ba? Kaya isama natin sa mga dasal natin sa lord of light ang kaligtasan ni Jon Snow. Mabuhay ka Jon Snow! At wag mo na kaming tatakutin ng ganun sa susunod!

Verdict: 9/10. Kasi buhay na si Jon Snow!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s